BATANGAS ASSOCIATION IN KOREA 2011
MGA KASUNDUANG ISINABATAS NG PAMUNUAN
ASOSASYON
BATAS 1. Na ang kasunduan ay tinanggap ng kasalukuyang pamunuan sa
mataas na kapulungan ng asosasyon noong ika- 14 ng Pebrero 2010.
BATAS 11. Na ang asosasyon ay bukas para sa lahat ng naninirahan sa
probinsya ng Batangas, kasama ng kanilang asawa.
(matrimonial heirarchy)
BATAS 111. Na ang asosasyon ay nagtakda ng kasunduan na sinumang
kababayan kahit saang lugar sa Pilipinas , na sumusunod , nakikiisa at
nagbabahagi ng sinseridad at buong pusong pagtulong
ay may posibilidad na maging kasapi, alinsunod sa pagsang-ayon ng
buong pamunuan at kasapi ng samahan. ( Adoptation of rights)
BATAS 1V. Na sinumang sasapi ay may paunang bayad na 10,000 won bilang "
'' membership fee" o pagkilala at pagtakda na sya'y lihetimong
kasapi na ng Asosasyon ng Batangas. (Registration of membership)
BATAS V. Na ang lahat ng kasapi ay may responsibilidad na magbayad ng
" monthly dues" o buwis pang sekuridad, sa halagang 5,000 won, bilang
pagtugon sa mga positibong binepisyong matanggap sa asosayon.
(Monthly revenues)
BATAS VI. Na ang lahat ng kasapi ay may obligasyon na magtanong o
magberipika sa Kalihim o Ingat Yaman,hinggil sa mga kakulangang
bayad, upang maiwasanang di pagkakaunawaan sa oras ng di
inaasahang pangyayari. (Certification of rights)
BATAS VII. Na ang aktibong miyembro ay may karapatang tumanggap ng
300.000won sa oras ng pagkahuli, sa kondisyon na sya'y kompleto sa
buwanang bayad o "monthly dues". ( Completion of payments)
Na kung saan ang di - aktibong miyembro ay makatatanggap naman ng
100,000won alinsunod sa mga sumusunod na kondisyon: Na sya'y
naka-kompleto ng bayad sa loob nang APAT na sunod-sunod na
buwan sa TAON NA SYA'Y ITINAKDANG KASAPI NG ASOSASYON.
( Clarification of Membership)
BATAS VIII. Na sa oras ng pagkakasakit at pagka hospital ng sinumang kasapi ay
may karapatang tumanggap ng kaukulang benipisyo alinsunod sa mga
sumusunod na kondisyon:
a). Kung sya ay AKTIBONG nagbabayad ng kanyang "monthly dues" ay
makatatanggap ng ika tatlumpong bahagdan o 30% ng halagang
300,000won PABABA sa kabuuang kagastusan ng
"hospitalization", at kung ang kagastusan naman ay humigit sa
300,000 won PATAAS sa kagastusan ay makakakuha ng eksaktong
300,000won. (Benificial Rights)
b). Kung sya ay myembro at nakapaloob sa Di-Aktibo , at ang halaga
ng kanyang pagka hospital ay pababa sa kabuuang 300,000
won ,sya ay malinaw na WALANG MATATANGGAP sa asosasyon,
SUBALIT, kung ang halaga ng kanyang pagka hospital ay humugit
sa 300,000won , siya ay makatatanggap ng 100,000 won bilang
pagtulong at pagkilala sa kapatirang layunin ng samahan.
( Benificial Consideration)